Ano ang “Opening Block” sa Paaralan?
Ngayong papalapit na naman ang pasukan para sa School Year 2026–2027, maraming magulang ang nagtatanong tungkol sa tinatawag na “Opening Block.” Para sa iba, bagong termino ito kaya natural lang na magtaka kung ano ba talaga ang ginagawa rito at bakit mahalaga ito sa pagbabalik-eskwela ng mga bata.
Sa madaling paliwanag, ang Opening Block ay ang unang linggo ng pasukan na nakatuon sa adjustment, orientation, mental wellness, at paghahanda ng mga estudyante bago magsimula ang regular at mas seryosong academic discussions.
Hindi agad ibinabato sa mga bata ang mabibigat na lectures, quizzes, at school requirements. Sa halip, binibigyan muna sila ng panahon para makapag-adjust mula bakasyon pabalik sa school environment.
Kasabay ng Pagpapatupad ng Three-Term School Calendar
Isa rin sa mga bagong pagbabagong mapapansin ngayong SY 2026–2027 ay ang pagpapatupad ng three-term school calendar sa ilang paaralan at educational institutions.
Sa halip na tradisyonal na mahabang school year na may isang mahabang bakasyon, hahatiin ang academic year sa tatlong termino o tatlong bahagi.
Layunin nitong:
- Maiwasan ang sobrang pagka-burnout ng mga estudyante
- Magkaroon ng mas balanced na academic schedule
- Magbigay ng mas maayos na pahinga sa pagitan ng mga termino
- Mapabuti ang learning retention ng mga bata
- Magkaroon ng mas flexible na school calendar
Dahil dito, mas naging mahalaga ang Opening Block dahil ito ang nagsisilbing “reset at preparation week” bago magsimula ang bawat academic term.
Bakit Mahalaga ang Opening Block?
Hindi lahat ng bata ay pare-pareho ang adjustment pagbalik sa eskwela. May mga excited, may kinakabahan, at mayroon ding nahihirapang bumalik sa routine matapos ang bakasyon.
Dahil dito, mahalagang magkaroon muna ng “conditioning week” para mas maging maayos ang transition nila mula bahay papuntang classroom environment.
Ang Opening Block ay tumutulong para:
- Mabawasan ang stress at kaba ng mga estudyante
- Makilala nila ang kanilang teachers at classmates
- Maunawaan ang school rules at expectations
- Masuri ng guro ang learning level ng bawat bata
- Mabuo ang magandang classroom environment
- Mas madaling maka-adjust sa three-term academic setup
1. Transition at Adjustment Period
Isa sa pinakamahalagang layunin ng Opening Block ay tulungan ang mga estudyante na makapag-adjust muli sa school life.
Pagkatapos ng bakasyon, maraming bata ang nasanay sa:
- Late na pagtulog at paggising
- Mahabang gadget time
- Walang structured schedule
Kaya mga magulang, kapag narinig ninyo ang salitang “Opening Block,” isipin ninyo ito bilang isang welcome at preparation week na tumutulong para maging mas masaya, ligtas, organisado, at less stressful ang pagbabalik-eskwela ng inyong mga anak.

0 Comments