Inaabangan na ang magiging epekto ng Ease of Doing Business Act sa pagyabong ng negosyo sa mga kanayunan, yan ang inihayag ni Iligan City Lone District Congressman Frederick Siao.
Inilabas ang nasabing pahayag, matapos pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 6579 o ang Ease of Doing Business Act (EODBA) na layuning gawing madali ang pagtatayo at pagsasagawa ng negosyo at transaksyong pang-negosyo saan mang dako ng Pilipinas. (http://www.congress.gov.ph/legisdocs/first_17/CR00436.pdf )
Sa ilalim ng EODBA, kailangang magkaroon ng one-stop-shop ang lahat ng Local Government Units – barangay, bayan, lungsod, at probinsya para sa pagpoproseso ng mga business permit.
Dapat din ipaskil ng bawat LGU sa kanilang mga opisina at i-post sa kanilang website ang lahat ng requirement at processing time para sa kaukuluang permit at lisensiya na may kaugnayan sa negosyo para maiwasang magpabalik-balik ang mga aplikante ng permit.
Dapat ding maiproseso ang permit ng isang aplikante sa loob lamang ng isang araw para sa mga barangay, tatlong araw para sa mga pambansang ahensiya at iba pang LGUs; habang sampung araw ang ibibigay na palugit sa mga LGUs para sa mga kumplikadong papeles.
“Excited kami sa Iligan City sa napipintong pagsasabatas ng EODBA sa buong bansa dahil mangangahulugan ito ng mas masiglang daloy ng negosyo sa Iligan at mas maraming trabaho para aking mga kababayan,” sabi ni Siao, na nagsilibing two-term councilor sa Iligan City bago naging Kongresista.
Ayon sa 2017 edition ng Cities and Municipalities Competitiveness Index of the National Competitiveness Council nangunguna (1st) ang Iligan City pagdating sa “Availability of Basic Utilities,” 10th pagdating sa “Cost in Doing Business,” 12th sa “Business Registration Efficiency,” 16th sa “Employed population,” 17TH Sa “Social Protection,” at 18th sa “Compliance to Business Permits and Licensing System (BPLS) Standards.” https://goo.gl/kq3W2a
“Tingin ko maganda na ang ranking namin para sa isang Mindanao City na may populasyon na 352,000. Kapag naipatupad ang EODBA, lalo pang mapapaganda ang ranking namin,” sabi ni Siao.
Si Siao ang itinuturing na ama ng Investments & Incentives Code of Iligan City, ang ordinansang katumbas ng EODBA sa Iligan City. Siya rin ang Chair ng Committee on Trade & Commerce sa konseho ng Iligan City mula 2010 hanggang 2016.
Panawagan ni Siao, sa susunod na taon ay kailangang maisailalim na sa pagsasanay ang bawat kawani at opisyal ng bawat LGU para maihanda sila sa tamang pagpapatupad ng EODBA. Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga ahensiyang maaaring magbigay ng pagsasanay sa mga LGU officials and employees.
“Sa Iligan City, sisikapin naming maging maayos ang pagpapatupad ng ng Computerized or Software-Enable Business Permit and Licensing System at ng Electronic Business One Stop Shop, pati na ang pag-adapt ng unified business application form, batay sa mga tagubilin ng EODBA,” wika ni Siao.
“Sa Disyembre ay napipintong maisabatas ang 2018 National Budget at ang 2019 budget cycle ay mag-uumpisa na sa unang quarter ng 2018, kaya naman inaasahan kong isasaalang-alang na ng DTI, DILG, DICT, at ng Department of Budget and Management ang budget and personnel requirement ng bawat ahensiya ang EODBA,” sabi ni Siao.
Ang senate version ng HB 6579 ay ang Senate Bill 1311 o ang Expanded Anti-Red Tape Act na inaprubahan na rin ng senado. May mga pagkakaiba sa mga probisyon ng SB 1311 at HB 6579 kaya’t pagkakasunduin pa ang mga pagkakaibang ito para makabuo ng iisang bill na ieendorso para lagdaan ni Pangulong Duterte.
REFERENCES:
http://www.cmcindex.org.ph/pages/profile/?lgu=Iligan
http://www.iligan.gov.ph/wp-content/uploads/downloads/2014/02/Application-Form-for-BP-Iligan.pdf
http://www.iligan.gov.ph/institutionalizing-simplified-business-registration-businesses-iligan-city/
http://www.iligan.gov.ph/services/
http://www.business.gov.ph/web/guest;jsessionid=f88f193cf180b6313dbc5310a70a
https://psa.gov.ph/content/population-iligan-city-was-recorded-323-thousand-results-2010-census-population-and-housing
http://nap.psa.gov.ph/activestats/psgc/municipality.asp?muncode=103504000®code=10&provcode=35
http://bworldonline.com/competitiveness-council-cites-top-local-governments/
http://www.manilatimes.net/competitive-lgus-tagged-latest-ncc-list/344924/
http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2017/08/18/cebu-city-drops-competitiveness-index-559295
http://www.sunstar.com.ph/pampanga/local-news/2017/08/24/san-fernando-4-central-luzon-towns-receive-award-560151
http://www.canadianinquirer.net/2017/11/03/automation-to-leapfrog-ph-rank-in-doing-business-report/
http://www.sunstar.com.ph/zamboanga/local-news/2017/08/20/zamboanga-city-named-most-improved-lgu-559512
Congressman Frederick Siao |

Comments
Post a Comment