Mas Malawak, Malalim na Papel ng SUCs Solusyon sa Magastos na CPD Training – Rep. Salo

Bilang tugon sa reklamo ng mga propesyunal na registered at lisensyado ng Professional Regulation Commission (PRC) ukol sa mabigat sa bulsang Continuing Professional Development (CPD) nananawagan si KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo na baguhin ng PRC ang mga operational guidelines nito sa pagpapatupad ng Republic Act 10912 o ang CPD law.

Ayon sa CPD law, isa sa requirement ang pagdalo sa sa Continuing Professional Education (CPE) seminars para sa renewal ng lisensiya.


Para kay Salo, dapat i-regulate pang mabuti ng PRC ang iba’t ibang rates para sa CPE seminars, workshops, conferences, at training.

Nais din niya na “palawakin at palalimin pa ng PRC ang papel ng state universities and colleges sa pagbibigay ng CPE sa mga lisensyadong propesyunal.”

Umapela rin si Salo sa mga organisadong grupo ng mga propesyunal na bigyang ayuda at suportahan ang kanilang mga kasapi sa pagdalo sa mga CPE seminars.

Hinimok niya ang PRC na bumuo ng mekanismong magbibigay gantimpala sa mga professional organizations na magiging aktibo sa pagtulong sa mga kasapi nitong makasunod sa tagubilin ng CPD law.



“Mas mainam ang SUCs bilang CPE provider dahil bukod sa marami sa kanila ay mahusay ang track record sa PRC board exams, naroon na sila sa iba’t ibang panig ng ating bansa —hindi kalayuan sa mga mamamayan kaya hindi na kailangan dumayo pa sa Metro-Manila o Metro-Cebu para lamang mag-review,” ani Salo.

Hinihimok din niya na kumbinsihin ng CHED, bilang chairman ng SUC governing boards, na palakasin ang mga CPD programs sa SUCs. (WAKAS)

Press Release

THE HONORABLE RON P. SALO
KABAYAN Party-list
Assistant Majority Leader

Comments