Dalawang kongresista ang sumalungat sa mga kumakalat na "disinformation" ukol sa epekto ng tax exemptions at mga buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Sabi sa mga “disinformation,” kesyo lugi raw ang mga income taxpayer ngayon sa TRAIN dahil nawala na ang exemptions para sa mga married, sa single, at sa qualified dependent children. (https://goo.gl/EHPhVf)
“Hindi po tama iyan. Pinalitan pa nga ang lumang exemption system ng mas pabor sa taxpayer na total exemption na P250,000. Mas pabor ito sa mga income tax payers ang TRAIN dahil nga sa dinagdagan pa ng P100,000 ang exemptions kumpara sa lumang batas,” ani 1-PACMAN Party-list Representative Michael L. Romero, isang ekonomista.
Paglililinaw pa ni Romero na “ang bawat income tax payer na lampas sa P250,000 ang income, iyong unang P250,000 na income nila ay tax-free. Magbabayad lang sila ng tax para sa income na lampas o sobra sa P250,000. Nasa Section 5 po iyan ng TRAIN sa page 6 ng batas.” (https://goo.gl/wSXK5d)
“Wait here’s more: Hindi lang iyan ang pabor sa taxpayer dahil bukod sa P250,000 total exemptions, ang gross benefits, kasama na 13th month pay, na hindi lalampas sa P90,000 ay exempted rin sa income tax sa TRAIN Law,” aniya.
Si Leyte 2nd District Congressman Henry C. Ong, na kasapi ng House Committee on Economic Affairs, may hiling naman sa Bureau of Internal Revenue:
"Kailangan ng taumbayan mula sa BIR ang tamang estimates ng epekto ng iba’t ibang TRAIN provisions ukol sa minimum wage earners, sa mga mas mababa pa sa minimum wage, sa iba’t ibang antas ng middle class strata, pati na upper middle class at mayayaman. Pangontra yan sa mga nananakot sa publiko ukol sa epekto ng TRAIN," diin ni Ong.
Dagdag ni Ong na bukas January 11 at sa January 12 ang public consultations ng BIR para sa implementing rules and regulations ng TRAIN na gaganapin sa BIR National Training Center auditorium sa Diliman, Quezon City.
Tatalakayin sa January 11 ang draft guidelines sa income tax at sweetened beverages, habang sa January 12 naman ang mga patakaran para sa value-added tax at excise tax sa invasive cosmetic procedures. (WAKAS)
REFERENCES:
https://goo.gl/anruyv
https://goo.gl/hcqA5W
https://goo.gl/79kBwD
https://goo.gl/yfVfe4
https://goo.gl/BqQzZ3
https://goo.gl/sz5HqT

Comments
Post a Comment