15 Tips for Newly-Hired Teachers in Public School | Panuto sa mga Gurong Bagong Pasok sa Public School
Here are some tips or instructions for newly-hired teachers in public school shared by Genaro Gojo Cruz in a Facebook group TAGA-DEPED AKO.
The tips shared here may not only apply for public school teachers in the Philippines but can also be beneficial for those who were recently hired in any job. Just change some words and it will become handy for you in whatever career you are pursuing.
1. Iisa ka lang at wag isiping mababago mo ang sistema ng edukasyon sa iyong pagpasok sa public school.
2. Magbigay-pugay sa matatandang guro sa puntong di ka naman nagpapaalipin sa kanila. Di ka na nila puwedeng utusang bumili ng meryenda nila kasi di ka nila estudyante. Maaari ka ring humingi ng mga payo sa kanila. May mga karunungan silang hindi kailanman mababasa sa mga libro.
3. Wag kang suggest nang suggest to the point na parang marami kang alam, tandaan may matatandang guro na iyong natatapakan. Di porke may alam ka sa paggamit ng laptop, LCD, FB, o ikaw ang kauna-unahang nag-aral at graduate sa Maynila, ikaw na ang marunong sa lahat. Hingin ang mungkahi ng matatandang guro. Naku gustong-gusto nila ito! Maghanda sa kanilang linyang "Naku noong panahon namin...." o "Noong bago kaming guro..." Marunong din naman silang gumamit ng MP3, Manila paper 1, Manila paper 2 at Manila paper 3. Kahit 5 taon ka na sa pagtuturo, baguhan ka pa rin para sa kanila.
4. Wag ilagay sa ulo ang pagiging cum laude o summa cumlaude, walang silbi ito kung di ka naman marunong magpakumbaba o makipagkapuwa-tao.
5. Wag tanggapin ang lahat ng trabaho kung di naman kaya, humingi ng tulong. Ang problema sa public school ay may matatandang teacher na ang katwiran, magre-retire na sila kaya wag na silang bigyan ng kung ano-ano.
6. Sa public school, reklamador ang ilang mga magulang, wag silang papatulan kasi sila ang ka kampihan ng media sa lahat ng oras. Wag silang pagtataasan ng boses, po-in sila kahit kung minsan ay wala na silang modo galang sa iyo.
7. Wag ding mananakit ng mga mag-aaral kahit sukdulan ang kanilang kabastusan o katamaran. Mahirap ma-TV kasi sila rin ang kinakampihan ng media. Ang mga halagahan (values po ito) ay natutuhan sa bahay at di sa paaralan. Kung walang modo ang bata kasi iyon ang natutuhan niya sa bahay. Kaya di natin sila bagahe sa usaping ito.
8. Wag na wag sisirain ang sarili sa pera, sa anumang koleksiyon na may kaugnayan sa xerox, pintura, kortina, halaman, floor wax, inodoro, Parol o tsok. Pakiusap ko po sa inyo!
9. Mag-aral ka pa. Maging mahusay na guro. Maging master teacher. Maging assistant principal. At kapag naging principal ka na dahil sa iyong katapatan at kahusayan, iyon na ang panahon mo upang mabago ang sistema kahit sa inyong paaralan.
10. Mag-share ng iyong mga best practice sa pagtuturo, resources, kaalaman at iba pa sa iyong mga kapuwa teacher. Wag maging maramot kung ang mga student naman ang magbe-benefit.
11. Iwasan ang tsismis, di ito kasama sa ating trabaho.
12. Wag na wag mai-inlove sa co teacher na may-asawa. Hanap ka ng wala pang pananagutan sa buhay para ayos ang buhay. O kung may asawa ka na, isara na ang puso sa maganda o guwapong co teacher.
13. Wag kalimutan ang mag-asawa. Malungkot ang mag-isa, tsarot!
14. Magtipid muna nang ilang buwan. Wag agad loan nang loan para lang bumili ng laptop, cellphone, single motor o magpa-rebond ng buhok.
15. Magbayad ng mga utang kapag sumuweldo na.
Puwede po itong I-share! Ang inyong abang-lingkod---Genaro Gojo Cruz
About Genaro Gojo Cruz:
Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro, makata at manunulat ng mga akdang pambata. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Pamantasang De La Salle Maynila[2] at sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
For more info, kindly check this link.
Facebook: Genaro Ruiz Gojo Cruz

Panuto sa mga gurong bagong pasok sa public school:

subslauAgras_ho Jamie Yaritza https://wakelet.com/wake/NSBYCZSMVisvN-Mvj8wRt
ReplyDeletekeabdiopedarx