Reaksyon sa mga Maling Impormasyon Hinggil sa Income Tax Exemptions

May mga kumakalat ngayon na maling impormasyon na lugi daw ang mga income taxpayer ngayon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) dahil nawala na ang exemptions para sa mga married, sa single, at sa qualified dependent children. (https://goo.gl/EHPhVf https://goo.gl/9kqqBm)

Hindi po tama iyan. Pinalitan ang lumang exemption system ng mas pabor sa taxpayer na total exemption na P250,000. Ganito po ang comparison ng luma at bagong exemptions ayon sa batas:

TRAIN and Old Income Tax Law
TRAIN Law vs Old Tax Law



Mas pabor na pabor pa nga sa mga income taxpayers ang TRAIN dahil sa dinagdagan pa ng P100,000 ang exemptions kumpara sa lumang batas.

Bilang dagdag paglilinaw, ang bawat income tax payer na lagpas sa P250,000 ang income, iyong unang P250,000 na income nila ay tax-free. Magbabayad lang sila ng tax para sa income na lampas o sobra sa P250,000. Nasa Section 5 po iyan ng TRAIN sa page 6 ng batas. (https://goo.gl/wSXK5d)

Hindi lang iyan ang pabor sa taxpayer, dahil bukod sa P250,000 total exemptions, ang gross benefits, kasama na 13th month pay, na hindi lalampas sa P90,000 ay exempted rin sa income tax sa TRAIN Law.

Press Release (January 10, 2018)
HON. MICHAEL “MIKEE” L. ROMERO, Ph. D.
1-PACMAN Party-list
Assistant Majority Leader
Vice Chair, Youth & Sports Development and 2 other Committees

Comments